Saturday, September 14, 2013

alaala ng aking kabataan

Alaala ng aking kabataan
by: Ronald Villasanta Reyes

mga nakalipas na kay sarap balikan
masasayang araw noong kabataan
akala mo ay walang katapusan
kasiyahan ay di mapantayan

pagkatapos ng klase sa paaralan
deretso agad sa lansangan
ang paglalaro ng bola at taguan
ang aming naging libangan

sa tabing lawa ay may munting kubo
na aming tambayan at pahingahan
kapag napagod kalalangoy
at pangunguha ng mga isda't tulya

kung kami ay magutom
punta agad sa bakuran ng kapitbahay
upang mamitas ng mga bungang kahoy
mga makopa, bayabas, kaymito at mangga

o kay sarap gunitain ang nakaraan
kasama ng aking mga kababata
mga larong kinagiliwan noon
at paglaboy ng parang walang kapaguran

eto ang simpleng buhay na aking kinamulatan
kahit payak na pamumuhay ay lubos ang kasiyahan
mga nakalipas na kahit kailanman ay di malilimutan
iyan ang alaala ng aking kabataan.

No comments:

Post a Comment